Skip to content

Bakit mahirap ang Pilipinas?

September 22, 2011

May Pag-asa Pa; Isniulat ni Harvey Cu, H1B

         Hindi magkaisa ang mga Pinoy. Ito ang dahilan kung bakit sobrang mahirap ang Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit may maraming mga iskuwater at mga bata nagbebenta ng sampaguita sa kalye. Ito ang dahilan kung bakit hindi nag-uunlad ang Pilipinas, lalo na sa ekonomiya. Hindi ito maganda ipakingan, pero ito ang totoo. Hindi kasalanan ng Pilipinas kung bakit mahirap ang mga Pinoy; sa mga Pinoy mismo ay may kasalanan.

Ang unang-una dahilan ng masasabi ng mga Pinoy kung bakit mahirap ang Pilipinas ay dahil sa korapsyon ng mga opisyal at ang mga polis. May nagsasabi na may ‘oligarchy’ nga ang Pilipinas. Ang ibigsabihin nito ay na nasa ilan lang ang mga yaman ng Pilipinas; sila ay may kapangyarihan kotrolin ang bansa, for better or for worse. Mas madalas kasya sa hindi, for worse. Ayon nga sa Transparency International, ang Pilipinas ay isa sa mga pinakakorap na bansa sa buong mundo, katabi ng Iran, Libya, Nepal at Yemen. (Iran?! Ganyan ba tayo kababa?!?!) Ang sabi raw ng organisasyon, ang mga pinakamahirap na bansa ay may pinakamaraming kaso ng korapsyon. Sa Pilipinas, may mga sobrang mayayaman na tao habang may sobra naman mga mahihirap na tao. May mga tao na araw-araw gumagastos na parang walang bukas, habang may mga tao naghihirap at nagtratrabaho 24/7. Ang sabi nga ni Noynoy, “Kung walang corrupt, walang mahirap.”

Aparte sa korapsyon, naroon din ang ‘brain-drain’. Ang ‘brain-drain’ ay hindi parang ‘mental-block’ na sandali lang ang epekto. Hindi, mas grabe pa ang ‘brain-drain’. Ang ‘brain-drain’ sa Pilipinas ay ang emigrasyon ng mga Pinoy na may kasanayan at kaalaman. Pumupunta sila sa mga ibang bansa para magtrabaho. Ang mga OFW na nagtratrabaho sa US, Canada & Saudi, at ang mga nurse na pumupunta sa abroad ay mga halimbawa ng ‘brain-drain’. Ang mga tao na ito ay hindi tumutulong sa kalagayan ng Pilipinas. Medyo ironic na nga ang situwasyon dito e. Taon-taon, maraming mga nurse na nagtratrabaho sa ibang bansa, pero kulang sa mga nurse ang Pilipinas. Embes nasa Pilipinas ang kumita, ang mga ibang bansa ay kumikita.

Ang isa pang problema ay ang populasyon ng Pilipinas. 91,077,287 (sa 2007 census) at lumalaki pa. ’12th most populous country’ nga ang Pilipinas sa buong mundo (SA. BUONG. MUNDO. ?!). Dahil sa mga kasintahan hindi alam kung kailan tumigil gumawa ng sanggol, sumabog sa laki ang populasyon. Hindi kasi alam nila kung paano magplano na maaga. Hindi nila iniisip kung kaya nila mag-alaga ng maraming mga anak. Baka rin hindi nila alam gumamit ng condom…! Ang mga problema na ito ay may solusyon – ang RH bill. Pero ‘bill’ lang nga ito, hindi parin batas. Hanggang ngayon, hindi parin isinangkapan ang RH bill, isang ‘bill’ na talagang kailangan natin para ikontrolado ang populasyon.

Hindi nga magkaisa ang mga Pinoy, kaya kailangan natin magtutulungan at magkaisa. Walang kwenta ang mga salita kung hindi ito isusundan ng aksyon. May pag-asa pa ba? Ang sagot ay mayroon pa, pero mayroon lang kung magtratrabaho ang mga Pilipino na magkasama para sa kabutihan ng Pilipinas. Mabuhay!

“Filipinos don’t realize that victory is the child of struggle, that joy blossoms from suffering, and redemption is a product of sacrifice.” – Jose Rizal

Mga Sources:

http://www.mukamo.com/philippines-among-most-corrupt-countries/

http://www.atimes.com/atimes/Southeast_Asia/HF20Ae04.html

http://www.bgn.org/blogs/post/1553

About these ads
One Comment leave one →
  1. Harvey Cu permalink
    September 22, 2011 12:23 pm

    Galing mo talaga, mehn! Idol! A+!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: